Friday, July 31, 2015

Bakit ba ako nag Law?




First meeting ng klase namin. It's a routine to introduce yourself and tell the rest of the class why did you enroll in Law school. Well, when it was my turn, I simply said “because I want to be a lawyer. I want to make my family proud”. Ito pa, “ I want to be an instrument of justice.” Wapak!



Noong nagsimula ako sa Law, punong puno ako ng energy, punong puno ng motivation. Sabi ko, “yakang yaka” ko 'to! Sanay naman ako magpuyat, mahilig naman ako magbasa ng mga nobela, madali lang mag adjust sa law school. Madali lang ito, Kaya nga ng iba, ako pa?



So, unang taon. Ang yabang ko. Oh man, I felt like I know everything about the law. Ang mga kaibigan ko o mga kakilala namin, tawag sa akin attorney. “Oy, attorney!”. Sarap sa pakiramdam. I did not bother to correct them na hindi pa naman ako attorney, estudyante pa lang. Pero kahit gusto ko, ang pride ko nagsasabi na wag ko na ikorek, masarap naman pakinggan eh, hayaan ko na. So, hinayaan ko. Ang mga kamag-anak at mga kaibigan ng mga magulang ko, ang taas ng tingin sa akin. Tinatanong na agad nila ako tungkol sa mga sitwasyon nila kung anong kaso ba pwede sa ganito, paano ko ba ipapakulong si ganito. Ako naman, porke kamo't nakapag-1st year na, assuming naman na magaling na. So nag aadvise. In short, ang yabang. Feeling abogado na. Sa facebook account, panay linya ng mga “astig” na statements tungkol sa law ang iniistatus ko! Ang yabang ko talaga. Later, I realized that it is not right to claim or let others believe that you are a lawyer when in truth and in fact, you are not (just because it felt good). We should not misrepresent ourselves.



I survived the first year with just a small scratch. Kayang kaya!



Second year. Dumami na ang major / bar subjects. Dumadami na ang mga dapat basahin. Natuto ako maging pasensyosa na pumila sa photocopier para magkopya ng mga cases or reading materials. Dumami na din ang mga lawyer-professors na mas matitinik. Parang dumoble ang hirap ng mga subjects. Napansin ko, kakarampot na lang ang oras ng pagtulog ko. Sobra pa ako sa call center agent. Buti pa nga ang mga call center agents, nakakatulog sa umaga pagkatapos ng shift. Ako, papasok pa ng trabaho tapos eskwela tapos study. Luxury na kung makatulog ng limang oras sa buong 24hours. Pakiramdam ko, nakakalbo na din ako. Seryoso. Napansin ko din na sa dating dalawang tasang 3-in-1 o Kapeng barako, nakakaapat na ako. Dumami na din ang ipon kong empty ballpens. Napansin ko din na por da pers time sa tanang buhay ko, nakakagamit na ako ng tatlong iba ibang kulay ng marker sa iisang libro at sangkaterbang red ballpens, daig ko pa ang titser ko sa grade four sa dami ng pulang pluma.



At naghihilik na din ako. And during my waking hours, I even feel like I am snoring loud.



Nagkukumahog ako makasagot sa recitations kapag klase na. Namimilipit ang dila ko sa kaba kasi pakiramdam ko, I did not study enough kahit na alas dos na ng madaling araw ako natulog kakabasa. Pakiramdam ko wala akong naintindihan sa mga binasa ko. Lagi dumudugo ang ilong ko sa language ng libro at mga cases na binabasa ko. Dagdagan pa ng latin phrases na nakakawala ng ulirat such as Sic utere tuo ut alienum non laedas. Basic pa lang yan. Hindi lang iilang beses kundi madalas pakiramdam ko, bobo ako. Kapag nagrerecite ang mga kaklase ko na magagaling, parang ako yong estudyante na mas gugustuhin umupo sa likod ng classroom para hindi mapansin ng teacher kasi walang matinong maisasagot at kung meron man, hanggang sa utak na lang kasi parang ang hirap magconstruct ng pangugusap lalo na kung straight english at kailangan gumamit ng legal jargons o legal lexicons.



Dito ko napatunayan ang katotohan na law school will teach you humility.Nawala ang yabang ko. In just less than a year, abruptly, nawala ang pagnanasa kong magyabang na law student ako. Kung pwede nga wag na ipaalam kung walang nagtatanong. I am becoming quicker in correcting my friends and relatives na “hindi pa po ako attorney. Sumusubok pa po makapasa sa subjects ko.” Ang hirap ng lawschool. Parang pinagsama lahat ng mathematical equations sa isang blackboard at kailangan mo subukin to find x. Buti pa nga ang math, may exact na sagot. Sa law, pwede ka kumanan, kumaliwa, umatras, abante, bumulusok o magpakalunod tapos sa huli, score mo “2 points out of 10”. Kung suswertihin, may love note pa ang law professor na “make your handwriting cleaner” o di kaya “improve your handwriting” oh di kaya may tandang pananong (?) indicating either the professor did not buy your bluff o di kaya wala s'ya naintindihan sa mga sinagot mo. Hanep.



Pagkatapos ng lahat ng hirap sa buong semester, malalaman ko, singko grade ko. Syempre, nagtaka ako. Singko?! Hindi pa ako bumabagsak sa tanang buhay ko simula ng nag aral ako at in denial ako na posible pala mangyari ito. Di ko maintindihan. Saan ako nagkamali? (ok, OA na). Baka sobrang pangit ng handwriting ko o di kaya kulang ang sagot ko sa enumeration. Baka may grammatical error ako o di kaya di ako nagfollow sa test instructions. Baka dapat ng blue ballpen ako kesa nag black. Baka dapat hindi ako nag absent no'ng panahong mainit ang ulo ni Ma'am para di ako namarkahan ng malaking “5” in red ballpen kasi baka yon ang nakita niya no'ng naggrado na sya. O baka talagang hindi lang ako umabot sa standard ng teacher ko. And then it sank in, madedelay ako ng graduate kasi kelangan ko balikan ang naibagsak ko. At magiging times 8 ang sipag ko kasi may hahabulin akong certain percentage mark, otherwise, ikikick out ako ng school. How's that for crushing a dream? Pero dahil lubog na lubog na ako at dahil sayang ang lahat ng pinagdaanan ko so far, kailangan tumuloy. Face the challenge ika nga. Don't quit. Iniencourage ko ang sarili ko na kaya ko. Kaya ko pa. May dahilan ang Dios bakit ako bumagsak. Tapos umiyak na lang ako. Nakakinis. Naiisip ko tuloy sumuko na lang. Worth it ba lahat ng ito at the end of the day?



So heto, 3rd year na ako sa law school. Irregular nga lang. At patuloy akong nag iistruggle na wag tuluyang malunod sa kumunoy at tuluyang mawalan ng pagnanasa or pag-asa na magiging isang batikang abogada sa hinaharap. Miss na miss ko na ang mahabang tulog. Narealize ko din, wala na pala akong social life. Di na ako ganun ka active to make friends. Kahit mga kaklase ko, halos di ko kilala lahat kasi wala na ako panahon makipagkwentuhan o makipagkaibagan. Tumatanda na din ako. Ang mga iba kong kaibigan, nakakadalawang anak na, ang iba kung saang bansa na namamasyal. Ang iba, ilan-ilang gadgets ang pinopost sa facebook wall at ang iba, punong-puno na ng selfie and facebook albums. Minsan naiisip ko, bakit pa nga ba gusto ko maging abogado? May disente naman na akong trabaho. Ano pa ba ang gusto ko? Why do I have to trail the path of a road less travelled?



Kaya balik sa tanong ko sa subject ng panulat na ito, BAKIT BA AKO NAG-LAW?



Kasi gusto ko talaga maging abogado. Para din yang sagot sa tanong na “bakit ka pumunta?” at sasagutin mo nang “kasi may nagpapunta” (shout out kay jzkeels ng fliptop. Sa makarelate, yow!). Ganun ka-simple. Higit sa yabang na pwede ko makuha dahil naisurvive ko ang hirap ng pag-aaral, I look forward sa pride na mararamdaman ng pamilya ko, lalo na ng mga magulang at kapatid ko na nagsusumikap masuportahan ako. Isa pa, I don't have the heart to show them that they have a family member who is a quitter.



Gusto ko talaga tawaging “Attorney” with matching IBP (Integrated Bar of the Philippines) ID na. Gusto ko i-immerse ang sarili ko sa kumplikadong buhay ng mga “akusado”, “nasasakdal” at ng mga “biktima”. Gusto ko maging bahagi ng pag hubog ng progressive human laws sa ating lipunan laban sa oppression and injustice. Tama, sobrang noble. Pero hindi ako santo. Gusto ko lang magkaroon ng dahilan para maging mayabang kasi I feel that I have been humble for too long. Gusto ko magpayabang na isa ako sa mga mahahalagang myembro ng society na imbes maging bahagi lang ng audience sa kaguluhang nangyayari, ay piniling makigulo to bring about order. Harinawa! Isa pa, astig maging parte ng prestigious professional group ng mga abogado hindi dahil kapalaran ko kundi dahil ginusto ko at pinagsikapan ko para maging karapat-dapat.



Other people's lives never bore me – their lies, their mysteries, their misfortunes, their fate. Tsismosa lang ang peg. Other people's lives makes my being vibrate, makes my heart pound louder and my blood pump harder. If I am a lawyer, I can do practical things applying my intelligence, knowledge, and ability to affect the lives of other people in more ways than I can on my own. I could make a damn difference. And when you come to think of it, what else was there to live for before we end up in our own coffin to be feasted on by nothing but maggots and all kinds of creepy creatures? Might as well make it worth our while.



Nag-aaral pa din ako hanggang ngayon kahit makailang beses dinurog ng law ang tiwala ko sa kakayahan ko kasi I don't know what else to do but chase my ultimate dream. Ito ang pangarap ko. At hindi ba nga kaya tayo patuloy na nabubuhay kasi may mga pangarap tayong gustong maabot? Kasi kung wala, para ano pa at araw-araw kang gumigising para magsumikap? Magkape? Kung ang dahilan lang ng buhay ay kumain at huminga, para ano pa?





So andito pa din ako. Dilat na dilat pa din. Gustong gusto ko na sanang matulog. Pero puno pa ang tinta ng marker ko.